Pages

Showing posts with label Views and Opinions. Show all posts
Showing posts with label Views and Opinions. Show all posts

Sunday, December 5, 2010

Ang Lata

Ang kwentong ito ay hindi ko pag-aari.  Ang kwentong ito ay base lamang sa nabasa ko nung high school ako sa aming campus newspaper.        

            Ako si Balt. Baltazar Sarmiento ang buo kong pangalan. 18 yrs old ako ngayon at kasalukuyang nag aaral ng Nursing sa isang State University sa Pasay.  Nakikitira ako ngayon kasama ng aking Ina sa kanyang kapatid.  Bilang kapalit ng aming pagtira, tinutulungan ko ang tiyahin ko sa kanyang maliit na kainan malapit sa isang ospital.  Mabait ang aking tiyahin, at siya ang nagpapaaral sa akin.  Nasa ikalawang taon na ako ngayon ng pag aaral. 
            Lunes hanggang Biyernes ang pasok ko sa eskuwelahan.  Pagkatapos ng klase, agad akong nagtutungo sa kainan ng tiyahin ko para tumulong.  Di naman kalayuan ang eskuwelahan kaya nilalakad ko na lng pauwi.  Sa tuwing tInatahak ko ang daan pauwi, maraming mukha ang aking natatanaw.  Ngunit ang labis na ikInalulungkot ko, ay ang mga mukha ng mga pulubi sa daan.
            Paano kaya sila kapag walang makain at walang masilungan.  Paano sila nabubuhay.  Halos nakilala ko na ang kanilang mga mukha dahil na rin sa araw-araw kong pagdaan sa maliit na iskinitang nagmistula nilang tahanan.
            Ano nga ba ang gInagawa ng ating pamahalaan kung bakit sa halip na mabawasan ang mga pulubi sa daan ay lalo pa silang dumarami.  Tila nanganganak ang kahirapan sa kanilang pagsulpot.
            Minsan sa aking muling pagdaan sa iskinitang iyon, may napansin akong isang bagong mukha ng isang pulubi. Isang batang pulubi na may punit-punit na damit at madungis na mukha.   Nakaupo lamang siya sa isang tabi habang naghihintay ng limos na ihulog sa kanyang lata mula sa mga taong nagdadaan.  Nang biglang may isang lalaki ang hindi sInasadyang masipa ang kanyang lata.  Tumilapon ang mga baryang laman nito.  Tiningnan ng lalaki ang nasipa niyang lata at pagkatapos tumingin naman sa batang pulubi.


            Tumayo ang batang pulubi.  May kabagalan ang kanyang pag unat ng katawan. Halatang may iniindang karamdaman dahil na rin sa kanyang pag-ubo.  Kinuha ng batang pulubi ang lata, gayundin ang mga natapong barya at ibInalik ito sa dating kInalalagyan.  Nakayuko lng ang batang pulubi habang muling bumalik sa pagkakaupo.  Nakatitig lamang ang lalaki at bigla na lamang umalis.
            Dumiretso na ako sa aking tinitirhan at nagbihis.  Naghahanda na ako para tumulong sa kainan ng aking tiyahin.  Malapit ng mag-gabi at madami na naming tauhan ng ospital ang magsisipag-hapunan sa kainan.
            Mag alas-nuwebe na ng gabi, habang nagliligpit ako ng isang lamesa matapos kumain ang isang grupo ng kostumer, muli ko na namang namataan ang batang pulubi na papalapit sa aming kainan.  Ngayon ay bitbit naman niya ang lata.  Iyon pa rin ang latang kanIna lamang ay nasipa ng isang lalaki.  Lumapit siya sa isa naming babaeng kostumer at tila Inaabot ang kanyang lata.  Humihingi siya ng limos.  Sa halip na abutan ng babae ng limos.  ItInaboy at sinigawan ang batang pulubi.  Walang nagawa ang batang pulubi kung hindi umalis na lamang ng nakayuko.  Napatingin ako sa tInapay sa lamesa.  Kumuha ako ng dalawang piraso at ibInalot sa plastic.  Iaabot ko sana sa batang pulubi ngunit nakalayo na ito.
            Habang tinitingnan kong naglalakad palayo ang pulubi.  Di ko maiwasang maalala ang isang pangyayaring bumago sa takbo ng buhay naming mag-Ina.
            Labing dalawang taon ako noon ng mamatay ang aking ama.  ItInago ng aking Ina sa aming magkapatid ang dahilan ng kanyang pagkamatay.  Siguro dahil sa bata pa kami noon ng aking kapatid.  Limang taon pa lamang noon ang kapatid kong si Janjan. Carlo John Sarmiento ang tunay niyang pangalan.  Dalawa lang kaming magkapatid kaya ako ang Inaasahan ng aking Ina na magaalaga sa aking kapatid.  Buhat ng mawala ang aking ama, magisang tInaguyod ng aking Ina ang aming pamilya. 
            Sa tuwing aalis ang aking Ina upang maglabada, naiiwan kami ng kapatid ko sa bahay. Wala kaming gInagawa ng kapatid ko kung hidi maglaro at matulog sa hapon.
            Isang araw nagsabi ang aking Ina.  Gagabihin daw siya ng uwi.  Bago siya umalis ay nagiwan siya ng aming makakain.  IpInagbilin ng aking Ina na alagaan ko ang aking kapatid.  Maghapon kaming naglaro ni Janjan.  Wala naman kaming magagawa sa bahay kung hindi ang maglaro.  Maghahapon na ng nagpasya kaming matulog para makapagpahinga.
            Nagising ako dahil sa malakas na sigawan na naririnig ko sa labas ng aming bahay.  Sumisigwa ang mga tao ng sunog.  Nasusunog nap ala ang katabi naming bahay.  Nakita ko si Janjan na himbing pa rin ang pagtulog.  Di ko alam ang aking gagawin.  Kinuha ko si Janjan at ipInasan sa aking balikat.  Tila nagising na ang kapatid ko dahil na rin sa pagtawag nya sa akin ng kuya.  Lumabas kami ng bahay at nakita kami ng isang grupo ng mga lalaki.  Agad kaming binuhat papalayo sa nasusunog na mga bahay.  Isang metro na lamang pala ay aabutin na ang bahay naming.  Buhat-buhat ako papalayo ng isang lalaki habang nakatingin ako sa aming bahay na unti-unting nilalamon na ng apoy.
            Natulala ako at tila hindi makapaniwala sa nangyayari.  Inilapag ako sa isang upuan ng lalaki habang tulala pa rin.  NaibaliK lamang ang aking ulirat ng isang malakas na sigaw ng aking pangalan, ang aking narinig.  Si Inay na pala. Lumuluha akong niyakap ng aking Ina.  Labis-labis ang kanyang pasasalamat na nakita nyang buhay ang kanyang anak.  Akala nya ay nakasama kami ni Janjan sa sunog.  Agad na tInanong ng aking Ina kung nasaan na si Janjan.  Nilinga-linga ko ang paligid. Ngunit, walang Janjan akong nakita.  Lumakas ang tulo ng luha ni Inay. Nagsisigaw siya ng pangalan ni Janjan.  Tumakbo siya papunta sa nasunog naming bahay.  Nang oras na iyon ay tuluyan ng nalamon ng apoy habang pInapawi ng mga bumbero.  May isang babaeng lumapit kay Inay.  SInabing nakita niyang binuhat kami ng dalawang lalaki papalayo sa aming bahay.  Ngunit hindi alam ng babae kung saan dInala si Janjan. 
            Nabigyan ng pag-asa si Inay at tInanong ako kung paano kami nagkahiwalay ng aking kapatid.  SInabi ko kay Inay ang mga natandaan kong pangyayari.  Naintindihan naman ni Inay kung bakit at paano kami nagkahiwalay ni Janjan.  Buong araw kaming naghanap kay Janjan.  Nakarating na kami sa mga karatig na barangay ngunit di naming siya mahanap.  Inalok kami ng aking tiyahin na doon na muna manirahan sa Pasay. Pag-aaralin daw niya ako at tulungan sa kanyang hanap-buhay. 
            Nauna akong kinuha ng aking tiyahin habang si Inay ay nagpaiwan upang hanapin si Janjan.  Kailangan ko daw maipagpatuloy ang aking pag-aaral.  Ilang buwan lamang at sumunod na rin si Inay sa Pasay.  Ngunit tuluyan na niyang hindi nakita ang aking kapatid.
            Tulad ng araw-araw ko ng nakagisnang gawain.  Papasok sa eskuwelahan at pag-uwi naman ay tutulong sa hanap-buhay  ng  aking tiyahin.  Habang naglalakad pauwi, muli akong dumaan sa eskinita.  Nagbitbit ako ng tInapay upang ibigay doon sa batang pulubi.  HInagilap ng aking mga mata ang batang pulubi.  Nariyan pa rin ang mga dating mukha ng mga pulubi na sa eskinitang iyon na tumanda.  Mabagal ang aking paglakad.  Ang aking mga mata ay pilit na hInahagilap ang batang pulubi na hindi ko makita.  Nakatayo ako ngayon sa lugar kung saan ko unang nakita ang bata.  Naroroon pa rin ang kaniyang lata.  Ngunit wala ang bata.  Patuloy akong naglakad hanggang marating ko ang dulo ng eskinita.  Tuluyan ko ng hindi nakita ang batang pulubi.
            Namataan ko ang dalawang pulubi na nag-uusap.  Lumakad ako papalapit sa kanila.  Magtatanong sana ako ng marinig ko ang kanilang pag-uusap.  TInanong ng isang lalaking pulubi ang kanyang kasamahan kung nakadalaw na siya sa burol ng isang batang pulubi rin.  TInanong naman nung isa kung saang punerarya ibinurol ang bata.  SInagot naman ng isa na DSWD ang gumastos sa burol at sa may malapit na punerarya lamang inilagak ang kanyang katawan.
            KInabahan ako sa narinig kong iyon.  Ang tinutukoy ba nilang bata ay ang batang pulubi na aking nakita kahapon?  Bagamat hindi ko alam kung sino ang kanilang tinutukoy  nanlumo pa rin ako sa aking narinig. Labis na lungkot ang aking nadama.  Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ako kalungkot gayong hindi ko naman kaano-ano ang batang pulubi.  TInahak ng aking mga paa ang daan patungo sa punerarya.  Hindi naman ito kalayuan sa aking tinitirhan. 
            Ilang minuto lamang ay narating ko na ang punerarya.  Bitbit ko pa rin ang tInapay.  Umaasa akong hindi ang batang pulubi ang tinutukoy ng dalawang lalaki na naguusap kanIna.  Umaasa akong nakaupo lamng ang batang pulubi at nagbabantay sa kanyang kasamang pulubi. 
            Inikot ko ang aking paningin sa buong paligid ng punerarya.  Sa isang kwarto may nakaburol ngunit walang mga taong naglalamay.  Lumapit ako sa listahan ng mga bisita upang tingnan kung sino ang nakaburol at kung may mga taong dumadalaw.
            Sa aking pagbasa, biglang tumulo ang aking mga luha. Lumakas ang kabog sa aking dibdib. Nabitawan ko ang tInapay na kInana ko bitbit. Ang batang pulubi nga ang nakaburol.  Walang ibang detalye na nakalagay sa kanyang listahan.  Walang edad o tirahan man lang.  Palayaw lamang ang nakasulat.  Ang kanyang palayaw ay Janjan.
            Tumalilis ang aking paa sa pagtakbo. Tuloy-tuloy ang pagtulo ng aking mga luha.  Hindi ko man lamang tiningnan ang katawan ng batang pulubi.  Si Inay ang agad na pumasok sa aking isipan.  Pagdating ko sa bahay ay agad kong sInabi kay Inay ang aking nakita.  Agad akong bumalik sa punerarya kasama si Inay. 
            Dumiretso kami sa katawan ng nakaburol.  Nang makita ni Inay ang katawan ng batang pulubi, labis-labis na luha ang dumaloy mula sa kanyang mga mata.  Hindi ako makapaniwala na sa ganitong pangyayari namin matatagpuan ang aking kapatid.  Tiningnan ko ang mukha ng batang pulubi.  Napakalinis ng kanyang mukha.  Hindi na katulad kahapon na ubod ng dungis.  Nawala na ang mga dungis na kailan lang ay itInatago ang maamo nitong hitsura.  Walang duda.  Siya nga si Janjan.  Siya ang nawawala kong kapatid.
            Inako na namin ni Inay ang kanyang katawan.  Dumagsa ang tao sa burol.  Naroon ang mga kasama niyang pulubi at ang iba naming kamag-anak.  Ilang araw din akong lumiban sa klase upang samahan sa huling mga araw ng burol ang aking kapatid.  Labis ang aking pagsisisi mula sa araw ng sunog hanggang sa araw na nakita ko siya sa eskinita. 
            Dumating ang araw ng paghahatid namin sa kanya sa huling hantungan.   Ang araw na iyon ang itInakdang huling araw din ng aming paghahanap sa kanya.  Walang salita. Puro luha. Hanggang sa matapos ang kanyang libing at makabalik kami sa aming bahay.  Nagkaroon na rin ng pagsasara ang ilang taon naming pangarap na muling mabuo ang aming pamilya.
            Sa mga sumunod na araw, balik na ulit sa normal ang aming mga buhay.  Papasok sa eskwela at uuwi.  Muli akong dumaan sa eskinita kung saan ko unang nakita si Janjan.  Naroon pa rin ang mga pulubi. Patuloy ako sa aking paglalakad hanggang sa marating ko ang mismong lugar kung saan siya nakaupo.  Naroon pa rin ang kanyang lata.  DInampot ko ang lata.  Lumang-luma at halos mabutas na ang lata.  Isang pulubi ang lumapit sa akin.  Ang pulubing iyon ay naroon din sa burol ni Janjan.  SInabi nya na ang latang iyon ay kasama ni Janjan ng dumating siya sa eskinita.  Muli na naman akong lumuha at dInala ang lata pauwi.  Ang nag-iisang ala-ala ni Janjan.  Ang tangi niyang pag-aari at kasama sa mga nalalabing buhay.  Ang lata.

Thursday, August 12, 2010

UP-DOST Scholarship


Three months ago, I received a call from the Technology Management Center of UP Diliman telling that I was accepted to be a student of their college.  I took the entrance exam last November 2009.  I wasn't hopeful to pass the exam since the interview was a disaster.  I started the study for the course Master in Technology Management on June 2010, until now I'm still adjusting to the "working student" lifestyle.  I thought it was just like in college. But it's not.  Every month we have to work on different term-paper-like documents we need to submit and present on the meeting day.  I am still hoping to make it to the graduation on 2012.  Need a lot of learning for 22 months. =D

Tuesday, February 9, 2010

Being Single is My Choice

Five Valentine's Day had passed and I will still celebrate the moment alone.  Feb 14 2010 is fast approaching, I'm looking forward to date someone who will make this black heart of mine red.  After my relationship with my ex-girlfriend in college, I did not commit my self into any serious relationship.  I just date some girls but did not put my self into a commitment.  I just thought its better that way since I'm saving my money to start my own business.  I'm not saying that having a girlfriend will cost much, I'm just a type of guy who doesn't let a girl pay for our expenses.  Arrgghhhh!!! When will this black heart fade into red??? BLOODY RED!!!

Wednesday, February 3, 2010

Change of Vows

This picture at the left was taken after the church wedding of my older brother Khot and her wife Karen.  The wedding was held last January 30 at St. Martin de Porres Church in Paranaque.  We celebrated the occasion at the beautiful garden reception of Villa Salud. It was a perfect day for the couple to change their vows.  Karen is very much welcome to our family.  I can see the happiness in the couple's eyes.  I wish they will grow old together and hope that they will always place God in between their love.

Wednesday, January 20, 2010

New Year, New Look

As you can see, I have imported a new layout for this blog.  I've been blogging very often this month because of my brother's wedding preparation.  I'll be posting the wedding photos soon. :)

Saturday, January 2, 2010

Anime Posting

I will no longer posts any anime videos as per request of the website owners where I get some of the videos I am posting here :D Just check on the latest anime episodes on AnimeCrazy.net or click on the images at the right Anime Panel for Naruto Shippuden and Inuyasha Final Act :)

A Look Back To 2009, A Hello To 2010

2009 had been a very busy year for me. This is the year where I started to work again.  The year for great reunions.  Here's my 2009 Monthly Recap :D

January - April:

My family is still waiting for a news about my brother where they are being held captive by Somali Pirates in the coast of Somalia.  That was their 3rd month in the hands of the pirates.  Emotions were very high at that time.  While waiting for a good development to the negotiation of my brother's release, we went to Calbayog Samar on February (my Dad's hometown) to ask for prayers from their Church wherein it is said that the prayers by the Good Old Monks will be heard immediately. I started working at the Technological University of the Philippines - Taguig Campus as a Part-Time Faculty Member on March.  I was easily accepted to the school to subtitute for a friend who is already working there. On April, there's still no good development as for my brother's captivity. The whole family attended a "Visita Iglesia" along with the rest of the other families from the Ship captured by Somali Pirates.  Before the month ends, my brother and the rest of the hostages were freed.

May - August:

The beginning of May is one of the most memorable event in my life.  My brother arrived from a five months-long captivity and this big crisis in our family makes us closer to each other.  We spend the whole month making up to the times we should have spend with him during the crisis.  June was the start of the new school year.  I thought I was just a subtitute teacher for the last term only but I was given a new schedule and subjects.  I am very happy that I am now a part of TUP-T though I'm not yet a regular Faculty. My new subjects was a big challenge for me during.  The month of July is very stressful cause I have to study my subjects and teach them afterwards.  I never thought that I'll be handling this subjects and I was never a good student during my college years :D August is my birth month and also the birth month of my blogsite, busabosako.  I am very excited to the end of the term and I almost forgot that it will be on the next month.

September - December: My mom and dad's birth month is September. This is also the month when I went to Ilocos along with my students for their field trip.  The month of October is not as stressfull as July because at this time, I am starting to enjoy teaching.We were very excited for the first birthday of my first niece on November.  We did his birthday party at Jollibee Macapagal.  And on December, we celebrated Christmas completely.

This 2010, my New Year's resolution is to shape up. Go to the gym once ot twice a week for work-out.  Continue my optimistic view in life and be nice to everyone.  To be a serious and strict instructor.  And to be a role-model to everyone.

Saturday, November 14, 2009

Naruto Shippuden Update!

Naruto Shippuden episodes 135 & 136 will come out next week, November 19. That means NO EPISODE for this week.

Sunday, November 1, 2009

Announcement!

I apologize for the late post of Inuyasha: The Final Act and Naruto Shippuden's last week episode. Because of typhoon Santi, my internet connection got worst. Now it is back to it's normal speed, but not enough to what I am paying per month :D tch!

Wednesday, October 21, 2009

Samsung Shout-out Contest

Samsung and F&H are encouraging Filipino College students to express themselves through this contest wherein great prizes awaits to the best shoutout.





Contest Requirements:

  • Filipino College students, 15-25 years old, currently enrolled for the school year 2009-2010 in any Metro Manila university
Contest Mechanics:
  1. Log on to samsungimagine.com and register
  2. Post a create a creative shout-out, in English or Filipino, for any of the following categories:
    • TALK - A Shout-Out that expresses emotions, ideas, thoughts, dreams, hopes, and ambitions
    • PLAY - A Shout-Out that expresses how life is experienced through love of music, sports, fashion, and the arts
    • LOVE - A Shout-Out that expresses how bonds are formed with family and friends through shared interests and passions
  3. Format Guidelines
    • Images should not exceed 300kb
    • Videos should not exceed 15mb or 3 mins
  4. Judging Criteria
    • 40% Relevance to the category
    • 40% Creativity
    • 20% Online votes
  5. College students who have registered, whether you be a contestant or online voter, are automatically entered in the online raffle
Contest Period: October 16 - November 30, 2009

Contest Prize:

  • One winner and their school (one per category) will get
    • Student
      • P30,000 CASH
      • Samsung Corby Mobile Phone
      • Samsung ST500 Dual LCD Camera
      • Samsung CLP-315 Printer
      • Samsung LapFit LD190G Monitor
      • 5 Samsung “I Imagine” Hoodies
      • P10,000 Folded & Hung Gift Certificate
    • School
      • Samsung LCD Monitor
  • Raffle Prizes
    • 600 “I Imagine” Hoodies
    • 20 Samsung Phones
    • 20 Samsung DVD Players

Friday, September 18, 2009

Kanye West disrespects Taylor Swift


Kanye once again made himself the center of f*** and s*** words after grabbing Taylor Swift's moment while giving her acceptance speech for winning the Best Female Video Award in the recent MTV Video Music Awards.

Poor Taylor, left stunned behind this drunk id**t while saying that Beyonce's video should have won the award.

When I first saw Taylor in her video Love Story, I'm starting to admire her. Then I learned that Taylor also wrote some songs from her album. This white chick got a lot of talents, that's why she deserves some respect.

F*** you Kanye! Go to he**! ^^ hehehe

Thursday, September 17, 2009

Discount Click

Do you have a business that rely much in the internet or you have a website that promotes your business? Well promoting your business through websites is easy but getting hits is one big problem.

DiscountClick brings solution to your business marketing problem.  For just a one-time payment of $500 (Getting Started Package) with no set-up fee, you'll have your website or rather your business be promoted to the world wide web.  Your website will also be optimized to the famous search engines such as Google, Yahoo, MSN, Ask Jeeves, AOL, Netscape and Altavista.  DiscountClick also provides advertisements for your business.

DiscountClick is the marketing solution company that provides Online Marketing Solutions to Philips Lighting, JK Design, Stevens Institute of Technology and many more.  To find out more about DiscountClick, just visit their website at http://discountclick.com

Famealy Day on September 28



Everyday, despite of busy work schedule, I make it a point to have dinner with my parents. Dinner is the only time of the day we get together in our table. And while having dinner, we talk about the things that happened during the day.

On September 28, Lucky Me and Filipino families, will celebrate the Famealy Day. This will encourage families or rather parents to share one table with their children. So on September 28, I'll be coming home at the earliest possible time.

My family will also celebrate my Mom's birthday ^^

Sunday, September 13, 2009

My Wireless Broadband is very Terrible!!

This past few days, while the rain is pouring Metro Manila and some part of the country, I experienced the worst of my broadband.  It's understandable that because of heavy rain and clouds, the broadband signal is congested.  But today the sun already shown up and I'm still having a lot of trouble with my internet connection.

I relocated my antenna many times but I still receiving very slow connection.  I called their so called "24 hour call-in service", a computer answered me that they are having problems in some areas and a network restoration is currently being done.  So I expected the problem to be solved within 24 hours.

Time had passed and still my bandwidth can't even open the facebook website.  I've done a ping test and a traceroute, the result shows the problem is NOT within my facility nor my network.  I tried using the broadband router with my laptop, but still no good.  I called again and skipped the computer's explanation of the problem cause I want to talk to a technical representative but nobody picked up my call.

If only a DSL facility is available in our area, I wouldn't waste my P1,300 monthly service fee for a very weak service.  While I'm writing this post, I'm hoping the connection will not be cut-off again so I can post this without hassle.

Welcome Emil!

Busabos Ako welcomes Emil (iammanchesterunited) as the newest contributor for this blogsite (if you look at the right sidebar, there you'll see two contributors). Emil is one of my buddies and just like me, we're both busabos :) pakalat-kalat lang kami sa kung saan-saan :D

I'm looking forward for his valuable posts in this blogsite and I thank him for joining me here :)

Tuesday, August 25, 2009

Internet Connection

isang taon na pala ako mahigit sa Globelines Broadband pero sa loob ng mahigit isang taon di man lang ako nakaranas ng mabilis na connection. ang sabi nila depende sa lugar, pero sa tingin ko sadyang mabagal lang talaga ang internet nila.

bago ako nag globe isang taon din muna ako sa Smart Bro. nung una maganda at mabilis ang connection. pero pagkatapos ng bagyong milenyo nasira na. bumagsak yung antenna ng smartbro namin at natagalan bago naitayong muli. kaso di na naging maayos ang connection nila kahit ilang beses pang balik-balikan ng technical team ang lugar namin para ayusin. depende rin daw kasi sa lugar at sakop ng cellsite nila.

pang-anim na beses na rin akong nag-apply sa PLDT DSL. pagkatapos ko mag-apply hintayin lang daw ang tawag kung kailan makakabitan. ang problema kailangan kada apat na buwan mag-apply ulit kapag hindi nakabitan. ang dahilan daw kung bakit di ako makabitan ng linya ay wala daw available "port". ginawa naman nilang tanga ang mga nag-aapply sa kanila galing dito sa lugar namin.

kailan kaya matatapos ang problema ko sa internet connection. sa ngayon hinihintay ko naman ang tawag ng SKY Broadband kung available na sila sa lugar namin.

hayz!

Monday, August 24, 2009

Ako'y Isang Hamak na Busabos

Birthday ko kahapon, dapat kahapon ko pa nagawa tong blog pero dahil sa dami ng ginawa ko nakalimutan ko na kaya ngayon ko lang nagawa to. Isasabay ko sana sa birthday ko yung birthday ng blog ko ^^

Nweiz umpisa na ng walang kwentang blog ng buhay-buhay ng isang busabos na tulad ko ^^

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails