isang taon na pala ako mahigit sa Globelines Broadband pero sa loob ng mahigit isang taon di man lang ako nakaranas ng mabilis na connection. ang sabi nila depende sa lugar, pero sa tingin ko sadyang mabagal lang talaga ang internet nila.
bago ako nag globe isang taon din muna ako sa Smart Bro. nung una maganda at mabilis ang connection. pero pagkatapos ng bagyong milenyo nasira na. bumagsak yung antenna ng smartbro namin at natagalan bago naitayong muli. kaso di na naging maayos ang connection nila kahit ilang beses pang balik-balikan ng technical team ang lugar namin para ayusin. depende rin daw kasi sa lugar at sakop ng cellsite nila.
pang-anim na beses na rin akong nag-apply sa PLDT DSL. pagkatapos ko mag-apply hintayin lang daw ang tawag kung kailan makakabitan. ang problema kailangan kada apat na buwan mag-apply ulit kapag hindi nakabitan. ang dahilan daw kung bakit di ako makabitan ng linya ay wala daw available "port". ginawa naman nilang tanga ang mga nag-aapply sa kanila galing dito sa lugar namin.
kailan kaya matatapos ang problema ko sa internet connection. sa ngayon hinihintay ko naman ang tawag ng SKY Broadband kung available na sila sa lugar namin.
hayz!
No comments:
Post a Comment