From Pangasinan, La Union, Ilocos Tour |
Masayang nakakapagod ang tour na ginawa namin sa Ilocos. Pero yung pagod, dito ko na naramdaman paguwi hehehe
First stop, San Roque Power Corporation (tama ba?) sa Pangasinan. Hydroelectric Company sila. (Tama ba ulit?) Di ko nga namalayan na nandun na kami nung kaumagahan ng September 1. Yung lugar na yun dati sa mga pelikula ko lang nakikita pero napakaganda talaga sa personal.
From Pangasinan, La Union, Ilocos Tour |
Second stop, sa Buaung naman kami nagpunta. Sa La Union naman to. Medyo may kalumaan na yung planta pero mahalaga yung experience namin na nakarating kami sa isang Diesel Power Plant.
From Pangasinan, La Union, Ilocos Tour |
Third stop, sa Corrimao Ilocos Norte. Dito na kami nagpalipas ng gabi. Medyo nakakahinayang lang kasi di kami nakapagswimming sa dagat. Gabi na kasi kami dumating at kailangan maaga gumising kinabukasan. Pero natulog na kami ng mga 3am na. First time ko uminom ng The Bar pero mukhang mapapadalas na :)
From Pangasinan, La Union, Ilocos Tour |
Fourth stop, Bangui Ilocos Norte. Pinuntahan naman namin dito ang kauna-unahang wind power plant sa Southeast Asia ang North Wind Power Project. Dito yung may malalaking wind turbine na siyang nagggenerate ng kuryente. Yung may malalaking elesi :D sa tv ko lang din nakita dati pero ngayon nahawakan ko pa. (yung poste ng elesi :D)
From Pangasinan, La Union, Ilocos Tour |
Fifth stop, Vigan Ilocos Sur. Pangarap kong mapuntahan ang Vigan. Eto nga't halos pumalakpak tenga ko pagdating namin dun. Sayang nga lang gahol na kami sa oras. Binigyan lang kami ng isang oras para ikutan ang buong Vigan (tama ba yun?) ayz!!! kaasar nga eh!! per ganun talaga kesa naman maiwanan ng bus. Pero enjoy pa rin :)
From Pangasinan, La Union, Ilocos Tour |
Yung buong album ay makikita sa lower left side ng site. Sa "My Photo Albums" section.
No comments:
Post a Comment