Ang kwentong ito ay hindi ko pag-aari. Ang kwentong ito ay base lamang sa nabasa ko nung high school ako sa aming campus newspaper.
Ako si Balt. Baltazar Sarmiento ang buo kong pangalan. 18 yrs old ako ngayon at kasalukuyang nag aaral ng Nursing sa isang State University sa Pasay. Nakikitira ako ngayon kasama ng aking Ina sa kanyang kapatid. Bilang kapalit ng aming pagtira, tinutulungan ko ang tiyahin ko sa kanyang maliit na kainan malapit sa isang ospital. Mabait ang aking tiyahin, at siya ang nagpapaaral sa akin. Nasa ikalawang taon na ako ngayon ng pag aaral.
Lunes hanggang Biyernes ang pasok ko sa eskuwelahan. Pagkatapos ng klase, agad akong nagtutungo sa kainan ng tiyahin ko para tumulong. Di naman kalayuan ang eskuwelahan kaya nilalakad ko na lng pauwi. Sa tuwing tInatahak ko ang daan pauwi, maraming mukha ang aking natatanaw. Ngunit ang labis na ikInalulungkot ko, ay ang mga mukha ng mga pulubi sa daan.
Paano kaya sila kapag walang makain at walang masilungan. Paano sila nabubuhay. Halos nakilala ko na ang kanilang mga mukha dahil na rin sa araw-araw kong pagdaan sa maliit na iskinitang nagmistula nilang tahanan.
Ano nga ba ang gInagawa ng ating pamahalaan kung bakit sa halip na mabawasan ang mga pulubi sa daan ay lalo pa silang dumarami. Tila nanganganak ang kahirapan sa kanilang pagsulpot.
Minsan sa aking muling pagdaan sa iskinitang iyon, may napansin akong isang bagong mukha ng isang pulubi. Isang batang pulubi na may punit-punit na damit at madungis na mukha. Nakaupo lamang siya sa isang tabi habang naghihintay ng limos na ihulog sa kanyang lata mula sa mga taong nagdadaan. Nang biglang may isang lalaki ang hindi sInasadyang masipa ang kanyang lata. Tumilapon ang mga baryang laman nito. Tiningnan ng lalaki ang nasipa niyang lata at pagkatapos tumingin naman sa batang pulubi.
Tumayo ang batang pulubi. May kabagalan ang kanyang pag unat ng katawan. Halatang may iniindang karamdaman dahil na rin sa kanyang pag-ubo. Kinuha ng batang pulubi ang lata, gayundin ang mga natapong barya at ibInalik ito sa dating kInalalagyan. Nakayuko lng ang batang pulubi habang muling bumalik sa pagkakaupo. Nakatitig lamang ang lalaki at bigla na lamang umalis.
Dumiretso na ako sa aking tinitirhan at nagbihis. Naghahanda na ako para tumulong sa kainan ng aking tiyahin. Malapit ng mag-gabi at madami na naming tauhan ng ospital ang magsisipag-hapunan sa kainan.
Mag alas-nuwebe na ng gabi, habang nagliligpit ako ng isang lamesa matapos kumain ang isang grupo ng kostumer, muli ko na namang namataan ang batang pulubi na papalapit sa aming kainan. Ngayon ay bitbit naman niya ang lata. Iyon pa rin ang latang kanIna lamang ay nasipa ng isang lalaki. Lumapit siya sa isa naming babaeng kostumer at tila Inaabot ang kanyang lata. Humihingi siya ng limos. Sa halip na abutan ng babae ng limos. ItInaboy at sinigawan ang batang pulubi. Walang nagawa ang batang pulubi kung hindi umalis na lamang ng nakayuko. Napatingin ako sa tInapay sa lamesa. Kumuha ako ng dalawang piraso at ibInalot sa plastic. Iaabot ko sana sa batang pulubi ngunit nakalayo na ito.
Habang tinitingnan kong naglalakad palayo ang pulubi. Di ko maiwasang maalala ang isang pangyayaring bumago sa takbo ng buhay naming mag-Ina.
Labing dalawang taon ako noon ng mamatay ang aking ama. ItInago ng aking Ina sa aming magkapatid ang dahilan ng kanyang pagkamatay. Siguro dahil sa bata pa kami noon ng aking kapatid. Limang taon pa lamang noon ang kapatid kong si Janjan. Carlo John Sarmiento ang tunay niyang pangalan. Dalawa lang kaming magkapatid kaya ako ang Inaasahan ng aking Ina na magaalaga sa aking kapatid. Buhat ng mawala ang aking ama, magisang tInaguyod ng aking Ina ang aming pamilya.
Sa tuwing aalis ang aking Ina upang maglabada, naiiwan kami ng kapatid ko sa bahay. Wala kaming gInagawa ng kapatid ko kung hidi maglaro at matulog sa hapon.
Isang araw nagsabi ang aking Ina. Gagabihin daw siya ng uwi. Bago siya umalis ay nagiwan siya ng aming makakain. IpInagbilin ng aking Ina na alagaan ko ang aking kapatid. Maghapon kaming naglaro ni Janjan. Wala naman kaming magagawa sa bahay kung hindi ang maglaro. Maghahapon na ng nagpasya kaming matulog para makapagpahinga.
Nagising ako dahil sa malakas na sigawan na naririnig ko sa labas ng aming bahay. Sumisigwa ang mga tao ng sunog. Nasusunog nap ala ang katabi naming bahay. Nakita ko si Janjan na himbing pa rin ang pagtulog. Di ko alam ang aking gagawin. Kinuha ko si Janjan at ipInasan sa aking balikat. Tila nagising na ang kapatid ko dahil na rin sa pagtawag nya sa akin ng kuya. Lumabas kami ng bahay at nakita kami ng isang grupo ng mga lalaki. Agad kaming binuhat papalayo sa nasusunog na mga bahay. Isang metro na lamang pala ay aabutin na ang bahay naming. Buhat-buhat ako papalayo ng isang lalaki habang nakatingin ako sa aming bahay na unti-unting nilalamon na ng apoy.
Natulala ako at tila hindi makapaniwala sa nangyayari. Inilapag ako sa isang upuan ng lalaki habang tulala pa rin. NaibaliK lamang ang aking ulirat ng isang malakas na sigaw ng aking pangalan, ang aking narinig. Si Inay na pala. Lumuluha akong niyakap ng aking Ina. Labis-labis ang kanyang pasasalamat na nakita nyang buhay ang kanyang anak. Akala nya ay nakasama kami ni Janjan sa sunog. Agad na tInanong ng aking Ina kung nasaan na si Janjan. Nilinga-linga ko ang paligid. Ngunit, walang Janjan akong nakita. Lumakas ang tulo ng luha ni Inay. Nagsisigaw siya ng pangalan ni Janjan. Tumakbo siya papunta sa nasunog naming bahay. Nang oras na iyon ay tuluyan ng nalamon ng apoy habang pInapawi ng mga bumbero. May isang babaeng lumapit kay Inay. SInabing nakita niyang binuhat kami ng dalawang lalaki papalayo sa aming bahay. Ngunit hindi alam ng babae kung saan dInala si Janjan.
Nabigyan ng pag-asa si Inay at tInanong ako kung paano kami nagkahiwalay ng aking kapatid. SInabi ko kay Inay ang mga natandaan kong pangyayari. Naintindihan naman ni Inay kung bakit at paano kami nagkahiwalay ni Janjan. Buong araw kaming naghanap kay Janjan. Nakarating na kami sa mga karatig na barangay ngunit di naming siya mahanap. Inalok kami ng aking tiyahin na doon na muna manirahan sa Pasay. Pag-aaralin daw niya ako at tulungan sa kanyang hanap-buhay.
Nauna akong kinuha ng aking tiyahin habang si Inay ay nagpaiwan upang hanapin si Janjan. Kailangan ko daw maipagpatuloy ang aking pag-aaral. Ilang buwan lamang at sumunod na rin si Inay sa Pasay. Ngunit tuluyan na niyang hindi nakita ang aking kapatid.
Tulad ng araw-araw ko ng nakagisnang gawain. Papasok sa eskuwelahan at pag-uwi naman ay tutulong sa hanap-buhay ng aking tiyahin. Habang naglalakad pauwi, muli akong dumaan sa eskinita. Nagbitbit ako ng tInapay upang ibigay doon sa batang pulubi. HInagilap ng aking mga mata ang batang pulubi. Nariyan pa rin ang mga dating mukha ng mga pulubi na sa eskinitang iyon na tumanda. Mabagal ang aking paglakad. Ang aking mga mata ay pilit na hInahagilap ang batang pulubi na hindi ko makita. Nakatayo ako ngayon sa lugar kung saan ko unang nakita ang bata. Naroroon pa rin ang kaniyang lata. Ngunit wala ang bata. Patuloy akong naglakad hanggang marating ko ang dulo ng eskinita. Tuluyan ko ng hindi nakita ang batang pulubi.
Namataan ko ang dalawang pulubi na nag-uusap. Lumakad ako papalapit sa kanila. Magtatanong sana ako ng marinig ko ang kanilang pag-uusap. TInanong ng isang lalaking pulubi ang kanyang kasamahan kung nakadalaw na siya sa burol ng isang batang pulubi rin. TInanong naman nung isa kung saang punerarya ibinurol ang bata. SInagot naman ng isa na DSWD ang gumastos sa burol at sa may malapit na punerarya lamang inilagak ang kanyang katawan.
KInabahan ako sa narinig kong iyon. Ang tinutukoy ba nilang bata ay ang batang pulubi na aking nakita kahapon? Bagamat hindi ko alam kung sino ang kanilang tinutukoy nanlumo pa rin ako sa aking narinig. Labis na lungkot ang aking nadama. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ako kalungkot gayong hindi ko naman kaano-ano ang batang pulubi. TInahak ng aking mga paa ang daan patungo sa punerarya. Hindi naman ito kalayuan sa aking tinitirhan.
Ilang minuto lamang ay narating ko na ang punerarya. Bitbit ko pa rin ang tInapay. Umaasa akong hindi ang batang pulubi ang tinutukoy ng dalawang lalaki na naguusap kanIna. Umaasa akong nakaupo lamng ang batang pulubi at nagbabantay sa kanyang kasamang pulubi.
Inikot ko ang aking paningin sa buong paligid ng punerarya. Sa isang kwarto may nakaburol ngunit walang mga taong naglalamay. Lumapit ako sa listahan ng mga bisita upang tingnan kung sino ang nakaburol at kung may mga taong dumadalaw.
Sa aking pagbasa, biglang tumulo ang aking mga luha. Lumakas ang kabog sa aking dibdib. Nabitawan ko ang tInapay na kInana ko bitbit. Ang batang pulubi nga ang nakaburol. Walang ibang detalye na nakalagay sa kanyang listahan. Walang edad o tirahan man lang. Palayaw lamang ang nakasulat. Ang kanyang palayaw ay Janjan.
Tumalilis ang aking paa sa pagtakbo. Tuloy-tuloy ang pagtulo ng aking mga luha. Hindi ko man lamang tiningnan ang katawan ng batang pulubi. Si Inay ang agad na pumasok sa aking isipan. Pagdating ko sa bahay ay agad kong sInabi kay Inay ang aking nakita. Agad akong bumalik sa punerarya kasama si Inay.
Dumiretso kami sa katawan ng nakaburol. Nang makita ni Inay ang katawan ng batang pulubi, labis-labis na luha ang dumaloy mula sa kanyang mga mata. Hindi ako makapaniwala na sa ganitong pangyayari namin matatagpuan ang aking kapatid. Tiningnan ko ang mukha ng batang pulubi. Napakalinis ng kanyang mukha. Hindi na katulad kahapon na ubod ng dungis. Nawala na ang mga dungis na kailan lang ay itInatago ang maamo nitong hitsura. Walang duda. Siya nga si Janjan. Siya ang nawawala kong kapatid.
Inako na namin ni Inay ang kanyang katawan. Dumagsa ang tao sa burol. Naroon ang mga kasama niyang pulubi at ang iba naming kamag-anak. Ilang araw din akong lumiban sa klase upang samahan sa huling mga araw ng burol ang aking kapatid. Labis ang aking pagsisisi mula sa araw ng sunog hanggang sa araw na nakita ko siya sa eskinita.
Dumating ang araw ng paghahatid namin sa kanya sa huling hantungan. Ang araw na iyon ang itInakdang huling araw din ng aming paghahanap sa kanya. Walang salita. Puro luha. Hanggang sa matapos ang kanyang libing at makabalik kami sa aming bahay. Nagkaroon na rin ng pagsasara ang ilang taon naming pangarap na muling mabuo ang aming pamilya.
Sa mga sumunod na araw, balik na ulit sa normal ang aming mga buhay. Papasok sa eskwela at uuwi. Muli akong dumaan sa eskinita kung saan ko unang nakita si Janjan. Naroon pa rin ang mga pulubi. Patuloy ako sa aking paglalakad hanggang sa marating ko ang mismong lugar kung saan siya nakaupo. Naroon pa rin ang kanyang lata. DInampot ko ang lata. Lumang-luma at halos mabutas na ang lata. Isang pulubi ang lumapit sa akin. Ang pulubing iyon ay naroon din sa burol ni Janjan. SInabi nya na ang latang iyon ay kasama ni Janjan ng dumating siya sa eskinita. Muli na naman akong lumuha at dInala ang lata pauwi. Ang nag-iisang ala-ala ni Janjan. Ang tangi niyang pag-aari at kasama sa mga nalalabing buhay. Ang lata.